Comments

Pasimula sa Tagalog kong blog

Posted by Buddy on Apr 15, 2009 in Buhay-Buhay

Matagal-tagal narin akong nagba-blog  sa katunayan may apat akong site… pero lahat yun Ingles. So na pag isip-isip ko bakit ba ako nag papakahirap sa Ingles na blog pwede naman ang Tagalog…

Habang ginagawa ko itong blog na ito sa simula nanghinayang ako kasi nasimulan ko na itong  na ito sa Ingles. Ewan ko ba? Hindi ko alam?  basta ang alam ko gusto ko naman Tagalog… Siguro dahil sa matagal tagal na rin ako dito sa Gitnang Silangan at laging Ingles ang usapan kahit na mga Indianong hindi nakakaintindi ng ingles kailangan mo pa ring kausapin. Sa totoo lang nakakbuwang silang kausapin, kahit gaano ka kagaling mag salita ng Inlges hay nako lahat ng grammar mo masisira… Balik ka sa English Carabao para lang mag kaintinhan kayo…Hindi naman sila lahat pero mas marami sa kanila ang ganun (haaaayyy buhay…)

Naalala ko tuloy nung nag aaral pa ako lalo na’t Ingles ang klase, laging sinasabi  ng aming  guro na dapat matutong mag-Ingles para daw makakita ng magandang trabaho at kung mangibang bansa eh hindi tayo mahuli sa ibang tao… Pero dito sa gitnang silangan masisira ang grammar mo… So what to do yanee do it “same same” (the same) like them, sabi nga nila…  Para mag kaintindihan kayo…

  • Share/Bookmark

Tags:

Copyright © 2012 Palamuti All rights reserved. Theme by Laptop Geek.