Subscribe to feed

Posts Tagged ‘kulay’

Luntiang Dahon

Comments

Buhangin, Ispalto!!! Buhangin, Ispalto!!!… Yang ang iyong makikita araw-araw… Haaayy buhay!!! Eh ano pa nga ba ang makikita mo sa United Arab Emirates eh nasa gitna ka ng Disyerto na pinalilibutan ng ispaltadong kalsada… Sa isang banda maganda dahil wala kang madadaaang bako-bakong daan gaya sa Pinas kaso naman pag nag sand storm ay naku… wag na wag kang mag iiwan ng sinampay na damit sa labas ng iyong tinitihan siguradong pag balik mo  yung puti mong damit kulay buhangin narin.

Haaayy!!! nakaka miss ang mga luntiang dahon sa kapaligiran sa Pinas… Kaya tuloy nag lagay ako ng chinese bamboo sa table ko sa opisina na aking pinapasukan,  sabi tuloy ng mga kasama kong bakit daw may garden ako sa table,  sagot ko na lang para pangtanggal ng stress sa mata na totoo naman kasi ayun sa nabasa ko na pag daw matagal ka ng nakatingin sa computer napapagod ang ating mga mata, at ang pinaka madaling paraan para ipahinga ito ay itingin ang sa kulay berdeng bagay.

Sa nakaraang Photography Workshop na ginanap dito sa Dubai ay pinalad na makadalo ako. At sa aming workshop may nakita akong dahon, dahon ng Palm, yung dahon na ginagawang pamaypay(abaniko) sa Pinas. May mga nakikita na ako na ganitong mga larawan kaya nag kainteres din ako na gumawa ng sarili kong bersyon.  Hindi man kasing ganda nung mga nakikita ko at least sa akin yun sarili kong gawa…. Sana magustuhan ng sino mang maka kita…

_bdc0684

  • Share/Bookmark
SEO Powered by Platinum SEO from Techblissonline

Palamuti is Digg proof thanks to caching by WP Super Cache!