Subscribe to feed

Posts Tagged ‘Electronics’

Laptop, Laptop, Laptop!!! at signal…

Comments

laptop-stn-lite-small Wow! Pare may laptop ka pala  ang ganda naman, ano bang brand yan? San mo nabili yan? Magkano ang kuha mo? Mga tanong na lagi nating naririning  sa mga taong nakapaligid sa atin.

Sa ngayon marami na ang mayroong laptop ang tanong may connection kaba? Sa totoo lang hindi naman sa naghihimasok ng buhay ng may buhay, ito ay aking opinyon lamang  sa aking mga nakikita sa kapaligiran gaya ng  mga  malls, coffee shop at kung saan saan pa… Marami sa ating mga kababayan na ang laptop ay pang porma lang , magalit na ang magagalit sa akin pero ito po ay akin laman sariling opinyon at obserbasyon.  Halimbawa na lang po dito sa Dubai alam natin na madali ang pag bili ng laptop dahil kabi-kabila ang SALE  ng mga electronics items so ang resulta ang dami mong makikiang mga kakayan natin dito na nasa mall nakaupo sa coffee shop, sa isang sulok, o kaya naman sa isang lugar ng malapit sa coffee shop para makisagap ng signal(dyan magaling tayong mga pinoy diba?).   Sabi ko nga hindi naman po sa nanghihimasok ng buhay ng may buhay at lahat naman tayo ay may karapatang mag karoon ng ganitong karangyaan sa buhay.

jla-bat-signal

Gaya lang nung isang araw dun sa tapat ng aming tinutuluyan sa Sharjah,kadarating ko galing sa opisina mga bangang alas otso ng gabiyun na may isang kabayan na hawak hawak yung kanyang laptop nag lalakad pabalik balik  at naka bukas ang laptop,  binati ko, “Musta kabayan busy ah!!! ” (hindi ko na tinanong pangalan) “OO nga” sagot nya… Patay malisya naman ako na nag tanong ulit” Eh ano bang pinanagkakaabalahan?” Heto nag hahanap ng signal wala kasi sa building namin” sagot naman ulit nya.

Ang sa akin lang naman kung nakabili ka ng laptop sana may pang bayad karin sa connection mo wag ka ng maki-agaw ng signal ng may signal…

  • Share/Bookmark
SEO Powered by Platinum SEO from Techblissonline

Palamuti is Digg proof thanks to caching by WP Super Cache!