Habang nag babasa-basa ako sa online news (Gulfnews) napasin ko ang isang article tungkol lumang batas na ipinatutupad ngayon dito sa Sharjah UAE. Batas ng pagbabawal mag suot ng mg alahas ang isang lalake sa mga pang publikong lugar gaya ng mga Malls. At ang mag nahuhuli pa nila ay pawang mga kabataan. Sa totoo lang matagal tagal na tin ako dito sa UAE pero ngayon ko lang narinig ang mga bagay na ito pero alam ka na mahigpit ang Sharjah kung para sa mga karatig na Emirates.
Ayon naman sa kina-uukulan ang batas daw na ito ay ipinatupad pa noong nakaraang walong taon dito sa Sharjah at ngayon ay muling ipinatutupad. Subalit ayon sa mga taga Sharjah bakit daw bila na lang itong ipinatupad na wala man lang panawagan at pasabi o kaya naman mga ads na ipinangalat upang maipag bigay alam ito sa publiko.
Kayo mga kapatid ano sa palagay ninyo tama ba o mali ang ipinatupad ng Sharjah Authority?…
Mama, Ale!!! pwede po bang malaman kung anong oras na? pang karaniwang tanong ng mga taong walang relos/orasan o mga nag kukunwaring walang orasan… Maraming tao ang mahilig bumili ng relos at sa totoo lang napakarami ring brand ang iyong pagpipilian pati na nga mga cellphone/mobilephone may orasan na din, pero marami pa rin sa atin ang nahihilig sa pagbili nito mga relos na nakakabit sa ating mga braso. Sa katotohanan ako rin ay mayroon nito.
Gaano ngaba kaimportante sa buhay natin ang orasan? Hindi naman siguro kawalan ito sa ating buhay. Sabi nga ng iba Palamuti ito at nakakdagdag pogi points lalo na kung branded o mamahalin.
Ikaw ano ba ang relos mo mamahalin o mura… Branded o hindi… made in Swiss, Japan o China, pang lalake man o pang babae, malaki o maliit at ibat ibang hugis at kulay… Saan man ito gawa o nanggaling mamahalin o mura sa totoo lang marami pa rin ang nale-late…
Ayon sa statistic isa ang Dubai sa may pinakamalaking bilang ng namamatay ng dahil sa traffic accident. Maganda ang kalsada malalaki at maluluwag, So bakit nag kakaroon pa ng mga banggaan… Eh bakit nga ba? Panoorin po natin ito na kuha sa Dubai Airport Tunnel…
Pupunta ba kayo? Halina at dumalo suportahan natin ang events na ito!!!
Bukas ay gaganapin ang isang events sa pangu-nguna ng mga pinoy dito sa Dubai at Ito ang 2nd Filexpo Dubai 2009.
Last year (2008) naging matagumpay ang sinimulan ng ABS-CBN TFC Middle East ang ” 1st Fil-Expo Dubai” na ginanap sa World Trade Center Dubai. Ito po ay dinaluhan ng ilang personalidad galing sa Pilipinsa gaya nila Korina Sanchez, Yeng Constantino, Christian Bautista at iba. At saka ipinakita dito ang mga produktong Pinoy…
At ngayong ika 2 ng Hulyo 2009 ay muli itong ibinabalik. Halina po kayo suportahan po ulit nating ang ating sariling produkto…