Digital Camera
Click, Click, Click…. Dito naman… Click, Click!!! Hay naku! kodakan naman yan… Ganda naman ng Gadget mo? Eh digital ba yan? Anong brand ba yan? maganda bang gamitain yan? maganda ba ang kuha nyan? EH! Ano nga ba ang magandang digital camera? Kasi ang daming brand na nag kalat ngayon lahat sila ang sinasabi sa Ads nila nayung digital camera nila ay magagaling at mahusay gamitin.
Matagal-tagal na rin naman ako sa photography at sa aking mga dinadaluhang at kinukuhanang pag titipon marami na rin akong na encounter na ganitong mga tanong, Ano ba ang magadang camera o digital camera?
Hindi naman sa Nikon ang brand ng camera na ginagamit ko pero isa ito sa magandang brand ng camera, pero nandyan pa ri naman ang Canon, Sony, Olympus, Pentax, Fuji at marami pang iba at mayroon pang iba’t ibang model from compact to DSLR… EH! ano nga ang magandang Camera???
Para sa akin ang ikinagaganda ng camera ay ayon sa gumagamit, hindi ko pwedeng sabihin na Nikon dahil sa ito ang gamit ko (pero para sa akin maganda ito) kasi hindi lahat ng tao gusto ang pag kakagawa ng nikon marami silang ayaw sa lay-out ng mga buttons and controls, ganun din naman sa Canon at iba pang brand. At saka sa pag pili ng camera hindi dahil sa yun ang uso yun ang bibilhin mo. Halimbawa ang gusto mo lang mag kuha ng souvinier shot sa mga lugar na pinupuntahan mo lalo na sa loob ng malls so hindi mo na kailangan ng Digital SLR na camera, kasi malaki ito at pang karaniwan bawal gamitin ang digital SLR sa loob ng mga Malls, so ang point and shoot at compact digital okey na. Pero kung na pe feel mo na gusto mong palawakin ang iyong kaalaman sa photography then mag Digital SLR ka.
Kaya sa totoo lang ang ikinagaganda ng isang camera ay kung saan mo ito gagamitin kaya nga iba’t ibang model ito. Mga model na bumabagay sa lugar at pag gagamitan ng mga ito… pero kung sa brand naman ang itatanong pinaka maganda pumuta ka sa tindahan ng mga camera, hawakan mo at i feel ang ito upang malaman mo kung saan kumportable ang iyong mga kamay at importante rin na yung available na features ng isang camera na hindi mo naiintindihan hangat hindi mo nakikita at na sa sampolan.
Kaya kung may balak kang bumili ng camera tanungin mo ang iyong sarili kung saan mo ba ito gagamitin at higit sa lahat MAG KANO BA ANG BUDGET Mo…..