Filcom Group Dubai
Filcom Group Dubai Photo Session at Zabeel Park Mega Bowl:
Mga karagdagn sa buhay-buhay… Kailangan pero hindi Importante!!!
Filcom Group Dubai Photo Session at Zabeel Park Mega Bowl:
September 09, 2009 Dubai Metro Inaugural Day… Alam naman natin na dito sa Dubai basta’t may isang malaking celebration siguradong may Fireworks… So dahil nga sa adik ako sa pag kuaha ng mga bagay bagay na kailangan pero hindi importante… Pleased see my photos taken during the celebration…
Magbakasyon sa sariling bayan yang ang laging pinapangarap ng mga pinoy na nag hahanap-buhay sa ibayong dagat o ang tinatawag na OFW (Overseas Filipino Workers). Isa na ako dun, sa pag babalik ko sa aking bayang sinilangan ako ay nag daan muna sa singapore ( My Singapore Stop-over) at syempre ano pa ba ang ginawa ko sa pag iistop over eh di mag kuha ang pictures…
At ano naman ang ginawa ko sa Pilipinas habang nag babakasyon eh di ano pa nagkuha pa rin ng pictures (adik) ito lang naman ang libangan ko, wala namang iba hehehe… Pero ang mga larawan na nakuha ko ay dun sa lugar ng mahal kong asawa(Leah) sa San Luis Aurora Philippines… Ito ang Ika Limanpung taon (50th) Anibersaryo ng Bayan ng San Luis at kasabay ng kanilang Sabutan Festival…
By the way What is Sabutan? Sabutan is (Pandanus sabotan Blanco)plants grows in wild abundance, invading even spaces between rows of coconut trees. From the leaves of this screw pine are woven into hats by farmers either seeking screen from the sun’s scorching heat, comfort from the beatings of the southwest and northeast winds or protection from the strong rains.
Kahapon June 19, 2009 nag karoon ng preliminary intrview ang Lighform International Filipino Photographers Guild – Dubai (LIFPG-Dubai) para sa susunod na Klase ng Photography dito sa Dubai. At bilang isang active member ng Guild-Dubai (LIFPG-Dubai) ako ay naatasan bilang isa sa interviewer.
Marami ang nag tatanong, bakit nga ba may interview pa eh mag aaral lang naman ng photography? Ang dami na mang pa ek.. ek!!! Hindi naman sa madami kaming pa ek.. ek sa buahy ang sa amin lang naman po ay malimawan ng mag-aaral ng photography kung ano talaga ang kanilang papasukin. Sa amin po kasing karanasan nag karoon na po kasi ng hindi pag kakaunawaan sa pagitan ng mag-aaral at ng Guild na nakarating sa ating kinauukulan (POLO-OWWA). Ito po ang mga usapin patungkol sa mga bayarin.
Hindi naman sa pinag tatanggol ko ang aming Guild sa dahilang kumikita kami dito, Hindi po… sa katunayan po lahat kami dito ay volunteer laman at hindi po kami humihingi at tumatanggap ng Fee sa aming pagbibigay serbisyo. So bilang isa nga po sa naatasan na mag bigay ng preliminary interview ng mga gustong mag-aral ng photography ipinapaliwanag namin ang mga sumusunod .
Ang sabi daw kasi sa POLO OWWA ay libreng pag aaral eh bakit may mga fee gaya ng mga sumusunod, Registration Fee, Veneu Fee, Graduation Fee, T-shirt Fee at iba pa…
Registration Fee
Alam naman po nating lahat na para ang isang Club o Organisayon ay maipag patuloy ang kanilang gawain at pag tulog ay kailangan makalikom ng sapat na pondo para sa mga gastusin gaya ng office supplies at iba pang mga gamit sa pag-aaralan. At dito iyon kinukuha…
Venue Fee
Ito ay aming sinisingil sa kadahilalan na wala naman libreng lugar para pag ganapan ng Photography Sessions. Sa totoo lang po dati libre lang talaga ang venue sa kadahilan na may lugar pa sa loob ng POLO-OWWA. Subalit sa dami na rin po ng ating mga kababayan na hindipinalad sa kanilang mga pinag tra trabahuhan(distress OFW) ang atin pong POLO -OWWA ang nag bibigay sakanila ng matutuluyan. At sa dami na rin po nila ay na okupa na ang lugar para sa mga Clubs na nag bibigay ng kasanayan sa ating mag kababayan. So para po maipag patuloy ng aming Club ang nasimilan ng pag bibigay ng kasanayan sa Phootgraphy ay humanap kami ng isang lugar subalit hindi po ito libre may bayad ito. Kaya na niningil kami ng venue fee, alangan naman po na kami pa ang mag bayad nun eh hindi nmaan po kami sinuswelduhan ng Club.
Graduation Fee
Obvious naman po na lahat ng graduation ay ipinag diriwang so kailangan din ng venue, wala rin namang libreng venue.
T-shirt
Ito po ay kailangan upang lalo na’t nag kakaroon ng outdoor activitist, isang pag kakakianlan na ikaw ay kasama ng grupo. Alam naman po natin na wala tayo sa Pilipinas tayo ay nasa Middle East (we need to follow their rules or elase) at kung ano man ang mangyari habang tayo ay nasa labas upang hasain ang ating mga kasanayan.
Ang mga Fee na nabanggit ay hindi namin ipinipilit o agarang sinisingil sa sinuman, ito po at aming ipinapaliwang sa kanila upang ang kanilang pag sali sa Guild ay maliwanag at maayos.
At ang isa pa sa mga kadahilan ng aming interview ay upang malaman ang kanilang mga bakasyon. Bakit pati bakasyon pinakikialaman! mangyari po wala tayo sa Pilipinas at pag nag bakasyon ay pinakamababang isang buwan. May rules and regulation din naman po ang aming guild na dapat naming sundin na kung ang isang nagsasanay ay lumiban ng tatlong beses ay out na po sya. So papano nga po kasi nag bakasyon yun ang katuwiran… Sa Guild po namin hindi reason ang bakasyon para hindi ka dumalo sa pag-sasanay sa kadahilan po na ang bakasyon sa trabaho ay planado at alam mo kung kailan ka uuwi ng Pinas. At iyon po ang aming sinasala, sa dami ng gustong mag aral ng photography ay kailangan namin ng dedikasyon upang hindi nman masayang ang kanilang ibabayad dito. So kung hindi ka pwede sa batch na ito ay pwede ka pa naman sa susunod na batch, paunahin na muna ang mga hindi mag babakasyon o yung tapos ng mag bakasyon.
Ang mag bagay-bagay po na aking isinulat ay batay sa ginawa naming pag iinterview kahapon. Upang malinawan at mapag biyan lahat ang mga Kababayan natin na nahihilig sa larangangan ng photography.
Copyright © 2012 Palamuti All rights reserved. Theme by Laptop Geek.