Comments

Watch (Relos o Orasan)

Posted by Buddy on Jul 16, 2009 in Electronics

Mama, Ale!!! pwede po bang malaman kung anong oras na? pang karaniwang  tanong ng mga taong walang relos/orasan o mga nag kukunwaring walang orasan…  Maraming tao ang mahilig bumili ng relos at sa totoo lang napakarami ring brand ang iyong pagpipilian  pati na nga  mga cellphone/mobilephone  may orasan na din, pero marami pa rin sa atin ang nahihilig sa pagbili nito mga relos na nakakabit sa ating mga braso. Sa katotohanan ako rin ay mayroon nito.

Gaano ngaba kaimportante sa buhay natin ang orasan? Hindi naman siguro kawalan ito sa ating buhay. Sabi nga ng iba Palamuti ito at nakakdagdag pogi points lalo na kung branded o mamahalin. Power-Player-Watches_article_horizontal

Ikaw ano ba ang relos mo mamahalin o mura… Branded o hindi… made in  Swiss, Japan o China, pang lalake man o pang babae, malaki o maliit at ibat ibang hugis at kulay… Saan man ito gawa o nanggaling mamahalin o mura sa totoo lang marami pa rin ang nale-late…

  • Share/Bookmark

Tags:

 
Comments

Digital Camera

Posted by Buddy on Jun 8, 2009 in Electronics, Poto-grapi

Click, Click, Click…. Dito naman… Click, Click!!! Hay naku! kodakan naman yan… Ganda naman ng Gadget mo? Eh  digital ba yan? Anong brand ba yan? maganda bang gamitain yan? maganda ba ang kuha nyan? EH! Ano nga ba ang magandang digital camera? Kasi ang daming brand na nag kalat ngayon lahat sila ang sinasabi sa Ads nila  nayung digital camera nila ay magagaling at mahusay gamitin.digital-cameras

Matagal-tagal na rin naman ako sa photography at sa aking mga dinadaluhang  at kinukuhanang pag titipon marami na rin akong na encounter na ganitong mga tanong, Ano ba ang magadang camera o digital camera?

Hindi naman sa Nikon ang brand ng camera na ginagamit ko pero isa ito sa magandang brand ng camera, pero nandyan pa ri naman ang Canon, Sony, Olympus, Pentax, Fuji at marami pang iba at mayroon pang iba’t ibang model from compact to DSLR… EH! ano nga ang magandang Camera???

Para sa akin ang ikinagaganda ng camera ay ayon sa gumagamit, hindi ko pwedeng sabihin na Nikon dahil sa ito ang gamit ko (pero para sa akin maganda ito) kasi hindi lahat ng tao gusto ang pag kakagawa ng nikon marami silang ayaw sa lay-out ng mga buttons and controls, ganun din naman sa Canon at iba pang brand. At saka sa pag pili ng camera hindi dahil sa yun ang uso yun ang bibilhin mo. Halimbawa ang gusto mo lang mag kuha ng souvinier shot sa mga lugar na pinupuntahan mo lalo na sa loob ng malls so hindi mo na kailangan ng Digital SLR na camera,   kasi malaki ito at pang karaniwan bawal gamitin ang digital SLR sa loob ng mga Malls, so ang point and shoot at compact digital  okey na. Pero kung na pe feel mo na gusto mong palawakin ang iyong kaalaman sa photography then mag Digital SLR ka.

Kaya sa totoo lang ang ikinagaganda ng isang camera ay kung saan mo ito gagamitin kaya nga iba’t ibang model ito. Mga model na bumabagay sa lugar at pag gagamitan ng mga ito… pero kung sa brand  naman ang itatanong pinaka maganda pumuta ka sa tindahan ng mga camera, hawakan mo at i feel ang ito upang malaman mo kung saan kumportable ang iyong mga kamay at importante rin na yung available na features ng isang camera na hindi mo naiintindihan hangat hindi mo nakikita at na sa sampolan.

Kaya kung may balak kang bumili ng camera tanungin mo ang iyong sarili kung saan mo ba ito gagamitin at higit sa lahat  MAG KANO BA ANG BUDGET Mo…..

  • Share/Bookmark

Tags: ,

 
Comments

Laptop, Laptop, Laptop!!! at signal…

Posted by Buddy on May 28, 2009 in Buhay-Buhay, Electronics

laptop-stn-lite-small Wow! Pare may laptop ka pala  ang ganda naman, ano bang brand yan? San mo nabili yan? Magkano ang kuha mo? Mga tanong na lagi nating naririning  sa mga taong nakapaligid sa atin.

Sa ngayon marami na ang mayroong laptop ang tanong may connection kaba? Sa totoo lang hindi naman sa naghihimasok ng buhay ng may buhay, ito ay aking opinyon lamang  sa aking mga nakikita sa kapaligiran gaya ng  mga  malls, coffee shop at kung saan saan pa… Marami sa ating mga kababayan na ang laptop ay pang porma lang , magalit na ang magagalit sa akin pero ito po ay akin laman sariling opinyon at obserbasyon.  Halimbawa na lang po dito sa Dubai alam natin na madali ang pag bili ng laptop dahil kabi-kabila ang SALE  ng mga electronics items so ang resulta ang dami mong makikiang mga kakayan natin dito na nasa mall nakaupo sa coffee shop, sa isang sulok, o kaya naman sa isang lugar ng malapit sa coffee shop para makisagap ng signal(dyan magaling tayong mga pinoy diba?).   Sabi ko nga hindi naman po sa nanghihimasok ng buhay ng may buhay at lahat naman tayo ay may karapatang mag karoon ng ganitong karangyaan sa buhay.

jla-bat-signal

Gaya lang nung isang araw dun sa tapat ng aming tinutuluyan sa Sharjah,kadarating ko galing sa opisina mga bangang alas otso ng gabiyun na may isang kabayan na hawak hawak yung kanyang laptop nag lalakad pabalik balik  at naka bukas ang laptop,  binati ko, “Musta kabayan busy ah!!! ” (hindi ko na tinanong pangalan) “OO nga” sagot nya… Patay malisya naman ako na nag tanong ulit” Eh ano bang pinanagkakaabalahan?” Heto nag hahanap ng signal wala kasi sa building namin” sagot naman ulit nya.

Ang sa akin lang naman kung nakabili ka ng laptop sana may pang bayad karin sa connection mo wag ka ng maki-agaw ng signal ng may signal…

  • Share/Bookmark

Tags: ,

Copyright © 2010 Palamuti All rights reserved. Theme by Laptop Geek.