Comments

Twitter

Posted by Buddy on May 11, 2009 in Buhay-Buhay, Mga Icon

twitter1

TWITTER,  sa totoo lang matagal ko ng naririnig ang tungkol sa bagay na ito, palamuti daw ito sa mga blog at malaking tulong para sa mga bloggers upang makahikayat at madag-dagan ang mga tagasunod nila o  mga taga-subaybay ng kanilang mga akda… Okey nakapag rehistro na ko sa twitter pero hindi ko naman makita yung icon para ma i add ko sa blog ko… Sa kahahanap ko ng icon heto ang nakita ko…

twitter-large-preview

Click Here Here for More Tweeter Icon

  • Share/Bookmark

Tags:

 
Comments

Tuloy ka Bakante!!!

Posted by Buddy on May 5, 2009 in Buhay-Buhay

Hay! Sakit ng tiyan Ma eebs na yata ako… Yan ang ating laging expression pag humihilab ang ating mga tyan sa oras ng tawag ng panahon lalo na’t nasa labas tayo ng ating mga tahanan.  So lahat ng paraan ay ating gagawin upang makakita ng Toilet/CR upang mairaos natin ang humuhilab nating mga tyan,  kung nasa loob ka ng  mall  hay naku may CR nga ang haba naman ng pila  ngunit sa pag-hahanap mo ay ganitong toilet ang iyong nakita ano ang iyong gagawin…

_bdc3408

So ano pa ang hinihintay mo Tuloy na Bakente!!! At higit sa lahat walang pila…

  • Share/Bookmark

Tags: ,

 
Comments

Manny “PACMAN” Pacquiao Rules Over Ricky “The Hitman” Hatton

Posted by Buddy on May 3, 2009 in Biglaang Pangyayari, Buhay-Buhay

Mga kakosa  hindi man lang nasulit yng ibinayad ko sa Pay Per View… Kasi ang dali namang  natapos nung laban… Round 2 lang tapos na at take note “KNOCK OUT” pa ang resulta… Kawawa naman si May Weather Sr. ang daming dakdak wala naman pala yung manok nya… naalala ko tuloy yung sinabi Jim Henson isa sa mga commentator at boxing analyst sa Pilipinas na ang ginagawa ni MR. Weather Sr. ay sariling pablisidad at hindi para sa kanyang alaga… hehehe

So sa mga hindi nakapanood at sa mga gustong ulit-ulitin ang nakaraang boxing heto po yung video… Enjoy na lang !!!

Hay!!! Kawawang Hatton…

  • Share/Bookmark

Tags: ,

 
Comments

Ano Ba yan Walang Kuryente!!!

Posted by Buddy on Apr 28, 2009 in Biglaang Pangyayari, Buhay-Buhay

Bandang Alas diyes ng umaga habang ako ay nakaharap dito sa aking Laptop at busy sa gawain sa opisina (nag bibisibisihan heheh) ay bigla na lang nag dilm ang kapaligiran… Kasi bigla na lang  nawalan ng kuryente ang aming building, sa anong dahilan di namin alam… Lahat nag kagulo kasi hindi pangkaraniwan ang ganitong pangyayari sa Dubai, lalo na dito sa opis namin… Isipin mo na lang na nasa loob kami ng Dubai Airport Freezone then biga na lang mawawalan ng kuryente… Wala namang nag panic wala naman kasing  nag alarm pero pinababa pa rin kami ng building…  So wala kaming nagawa eh di lumabas kaso heto my gooosshhh ang init sa labas, pero sumingit ako kunwari tutulong sa pag aayos ng server para ma i shutdown bago maubos ang laman ng UPS, so  balik ako sa loob ng building kasi hindi ka na tatagal sa labas.

Hindi na ako lumabas ulit ng building dun nalang ako nag lagi sa loob kasama pa nung ibang ayaw talagang lumabas kasi nga mainit. After more than 1 hour sa wakas nag naroon na rin ng kuryente, mayroon ng ilaw at aircon kaso wala pa ring power sa mga saksakan, kaya tambay pa rin kami pero hindi rin naman nagtagal after 15 minute sa wakas balik na lahat ang power sa buong building…

Walang nakapag sabi kung bakit nawalang ng kuryente dito sa among area…

  • Share/Bookmark

Tags:

Copyright © 2012 Palamuti All rights reserved. Theme by Laptop Geek.