Ano Ba yan Walang Kuryente!!!

Posted by Buddy on Apr 28, 2009 in Biglaang Pangyayari, Buhay-Buhay |

Bandang Alas diyes ng umaga habang ako ay nakaharap dito sa aking Laptop at busy sa gawain sa opisina (nag bibisibisihan heheh) ay bigla na lang nag dilm ang kapaligiran… Kasi bigla na lang  nawalan ng kuryente ang aming building, sa anong dahilan di namin alam… Lahat nag kagulo kasi hindi pangkaraniwan ang ganitong pangyayari sa Dubai, lalo na dito sa opis namin… Isipin mo na lang na nasa loob kami ng Dubai Airport Freezone then biga na lang mawawalan ng kuryente… Wala namang nag panic wala naman kasing  nag alarm pero pinababa pa rin kami ng building…  So wala kaming nagawa eh di lumabas kaso heto my gooosshhh ang init sa labas, pero sumingit ako kunwari tutulong sa pag aayos ng server para ma i shutdown bago maubos ang laman ng UPS, so  balik ako sa loob ng building kasi hindi ka na tatagal sa labas.

Hindi na ako lumabas ulit ng building dun nalang ako nag lagi sa loob kasama pa nung ibang ayaw talagang lumabas kasi nga mainit. After more than 1 hour sa wakas nag naroon na rin ng kuryente, mayroon ng ilaw at aircon kaso wala pa ring power sa mga saksakan, kaya tambay pa rin kami pero hindi rin naman nagtagal after 15 minute sa wakas balik na lahat ang power sa buong building…

Walang nakapag sabi kung bakit nawalang ng kuryente dito sa among area…

  • Share/Bookmark

Tags:

This website uses IntenseDebate comments, but they are not currently loaded because either your browser doesn't support JavaScript, or they didn't load fast enough.

Copyright © 2012 Palamuti All rights reserved. Theme by Laptop Geek.