Subscribe to feed

Archive for November, 2009

Filcom Group Dubai

Comments

Filcom Group Dubai Photo Session at Zabeel Park Mega Bowl:

  • Share/Bookmark

Undas o All Saints Day

Comments

Sa ating mga Filipino ang Undas ay isang mahalagang araw para gunitain ang mga namayapa na nating mga mahal sa buhay. Subalit saan at kailan ba talaga ito nagsimula?…

All-Saints

Ayon sa aking pag sasaliksik at mga nabasa ang Undas, Todos Lo Santos o All Saints Day ay nagsimula pa noong  taong 270 AD datapuwat walang tiyak na buwan o araw ang nabanggit sa mga umiinog na kasulatan.

Sa Pilipinas ipinag diriwang ito tuwing unang araw ng Nobyembre (All Saints Day) at All Souls Day naman sa Ika dalawa ng Nobyembre. Ito ay alin sunod  sa pagdiriwang ng Araw ng Todos los Santos (na tinatawag na Festum omnium sanctorum sa Latin) sa Kristiyanong kanluran na ginagawa tuwing ika-1 ng Nobyembre na sinusundan ng Araw ng Kaluluwa sa ika-2 ng Nobyembre. Ito ay isang araw ng pangilin sa Iglesya Katolika Romana o Katolikong Latino ng may pagtatanod o vigilia.

Ang pagdiriwang ng Todos los Santos ay sinimulan gawin sa kanluran noong ika-13 ng Mayo taong 609 o 610 (kung saan ang araw ay mas mahalaga kaysa taon) nang i-konsagrado ni Papa Bonifacio IV ang Panteon sa Roma sa Mahal na Birhen at lahat ng mga Martir – ang pagdiriwang na ito ng ‘dedicatio Sanctae Mariae ad Martyres’ mula noon ay ginagawa sa Roma. Ang piniling araw na ito, Mayo 13, ay isang paggunitang pagano noong matandang panahon na pinaluluoban ng tatlong araw ng Pista ng Lemures kung saan inilalaan ang masasama at walang pahingang mga kaluluwa ng mga namatay. Sinasabi ng mga liturhiyologong midyebal na ibanase sa pagdiriwang ng Lemuria ang pagdiriwang ang Todos los Santos sa mismong petsa at may kaparehong tema na para sa mga yumao. Ang padiriwang ng Todos los Santos ay mula raw sa pagtatayo ni Papa Gregorio III (731-741) ng isang oratoryo sa simbahan ni San Pedro sa Roma para sa mga relikya) “ng mga banal na apostoles at ng lahat ng dakilang mga santo, martir at kompesor na namamahinga sa buong mundo”, kung saan ang pagdiriwang ay iniusad sa ika-1 ng Nobyembre.

Sa Pilipinas o tayong mga Filipino, ang araw na ito ay inilalaan sa pagdalaw sa mga puntod ng yumaong mahal sa buhay kung saan sila ay nag-aalay ng dasal, bulaklak at kandila. Karaniwang parang isang masayang pagkikita ng magkakamag-anak. Sinasabi na ang araw na ito ay “isang pakakataon upang makapiling” ang mga mahal na yumao minsan isang taon. Bago dumating ang araw na ito ang mga puntod ay nililinis at pinipintahan. Dahil isa itong mahalagang araw upang makapiling ang mga yumaong kamag-anak, ang mga pamilya ay karaniwang naglalamay sa simenteryo at kung minsan magdamag o dalawang araw sa puntod ng mahal sa buhay. Upang magpalipas ng oras, may naglalaro ng baraha, may nagkakainan, nag-aawitan at nagsasayawan sa simenteryo. Isang mahalagang kapistahan ito ng maraming Pilipino (matapos sa Pasko at Semana Santa). Ang ika-1 ng Nobyembre ay isang pistang opisyal sa Pilipinas at kung minsan pati ang araw bago o pagkatos nang araw na ito.

courtesy of Wikipedea

  • Share/Bookmark
SEO Powered by Platinum SEO from Techblissonline

Palamuti is Digg proof thanks to caching by WP Super Cache!