Watch (Relos o Orasan)
Mama, Ale!!! pwede po bang malaman kung anong oras na? pang karaniwang tanong ng mga taong walang relos/orasan o mga nag kukunwaring walang orasan… Maraming tao ang mahilig bumili ng relos at sa totoo lang napakarami ring brand ang iyong pagpipilian pati na nga mga cellphone/mobilephone may orasan na din, pero marami pa rin sa atin ang nahihilig sa pagbili nito mga relos na nakakabit sa ating mga braso. Sa katotohanan ako rin ay mayroon nito.
Gaano ngaba kaimportante sa buhay natin ang orasan? Hindi naman siguro kawalan ito sa ating buhay. Sabi nga ng iba Palamuti ito at nakakdagdag pogi points lalo na kung branded o mamahalin. 
Ikaw ano ba ang relos mo mamahalin o mura… Branded o hindi… made in Swiss, Japan o China, pang lalake man o pang babae, malaki o maliit at ibat ibang hugis at kulay… Saan man ito gawa o nanggaling mamahalin o mura sa totoo lang marami pa rin ang nale-late…