Subscribe to feed

Archive for June, 2009

Pamasahe sa Dubai Metro

Comments

Matagal-tagal na rin ng simulan ang pag tatayo ng kaunaunahang train  sa United Arab Emirates at ito ay dito sa Dubai at tinawag nila itong Dubai Metro. At ito ay mag bubukas at magiging operational sa darating na September 9, 2009. At dahil dito marami ang haka-haka kung mag kano ba ang magiging pamasahe sa nasabing tren.

Kahapon habang nag babasa ako ng pahayagan, nabasa ko ang tungkol dito. Sa madaling  salita lumabas din yung matagal ng hinihintay ng mga tao “ang fare rate ng Dubai Metro”. Ayon sa RTA opisyal ito ay nag kakahalaga ng mula Dhs 1.80  hanggang Dhs 6.50 para sa isang biyahe.  At ayon pa RTA mayroon din silang ilulunsad na Unified Fare of Mass Transport in the Emirate of Dubai by means of a Unified Electronic Fare Card known as “NOL CARD” kung saan ang card na ito ay magagamit sa lahat ng transportasyon dito sa Dubai. nol

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang www.rta.ae

  • Share/Bookmark

Fees

Comments

Kahapon June 19, 2009  nag karoon ng preliminary intrview  ang Lighform International Filipino Photographers Guild – Dubai (LIFPG-Dubai) para sa susunod na Klase ng Photography dito sa Dubai. At bilang isang active member ng Guild-Dubai (LIFPG-Dubai) ako ay naatasan bilang isa sa interviewer.

Marami ang nag tatanong, bakit nga ba may interview pa eh mag aaral lang naman ng photography? Ang dami na mang pa ek.. ek!!! Hindi naman sa madami kaming pa ek.. ek sa buahy ang sa amin lang naman po ay malimawan ng mag-aaral ng photography kung ano talaga ang kanilang papasukin. Sa amin po kasing karanasan nag karoon na po kasi ng hindi pag kakaunawaan sa pagitan ng mag-aaral at ng Guild na nakarating sa ating kinauukulan (POLO-OWWA). Ito po ang mga usapin patungkol sa mga bayarin.

Hindi naman sa pinag tatanggol ko ang aming Guild sa dahilang kumikita kami dito, Hindi po… sa katunayan po lahat kami dito ay volunteer laman at hindi po kami humihingi at tumatanggap ng Fee sa aming pagbibigay serbisyo.  So bilang isa nga po sa naatasan na mag bigay ng preliminary interview ng mga gustong mag-aral ng photography ipinapaliwanag namin ang mga sumusunod .

Ang sabi daw kasi sa POLO OWWA ay libreng pag aaral eh bakit may mga fee gaya ng mga sumusunod,  Registration Fee, Veneu Fee,  Graduation Fee, T-shirt Fee at iba pa…

Registration Fee

Alam naman po nating lahat na para ang isang Club o Organisayon ay maipag patuloy ang kanilang gawain at pag tulog  ay kailangan makalikom ng sapat na pondo para sa mga gastusin gaya ng office supplies at iba pang mga gamit sa pag-aaralan. At dito iyon kinukuha…

Venue Fee

Ito ay aming sinisingil sa kadahilalan na wala naman libreng lugar para pag ganapan ng Photography Sessions. Sa totoo lang po dati libre lang talaga ang venue sa kadahilan na may lugar pa sa loob ng POLO-OWWA. Subalit sa dami na rin po ng ating mga kababayan na hindipinalad sa kanilang mga pinag tra trabahuhan(distress OFW) ang atin pong POLO -OWWA ang nag bibigay sakanila ng matutuluyan.  At sa dami na rin po nila ay na okupa na ang lugar para sa mga Clubs na nag bibigay ng kasanayan sa ating mag kababayan. So para po maipag patuloy ng aming Club ang nasimilan ng pag bibigay ng kasanayan sa Phootgraphy ay humanap kami ng isang lugar subalit hindi po ito libre may bayad ito. Kaya na niningil kami ng venue fee, alangan naman po na kami pa ang mag bayad nun eh hindi nmaan po kami sinuswelduhan ng Club.

Graduation Fee

Obvious naman po na lahat ng graduation ay ipinag diriwang so kailangan din ng venue, wala rin namang libreng venue.

T-shirt

Ito po ay kailangan upang lalo na’t nag kakaroon ng outdoor activitist, isang pag kakakianlan na ikaw ay kasama ng grupo. Alam naman po natin na wala tayo sa Pilipinas tayo ay nasa Middle East (we need to follow their rules or elase) at kung ano man ang mangyari habang tayo ay nasa labas upang hasain ang ating mga kasanayan.

Ang mga Fee na nabanggit ay hindi namin ipinipilit o agarang sinisingil  sa sinuman, ito po at aming ipinapaliwang sa kanila upang ang kanilang pag sali sa Guild ay maliwanag at maayos.

At ang isa pa sa mga kadahilan ng aming interview ay upang malaman ang kanilang mga bakasyon. Bakit pati bakasyon pinakikialaman! mangyari po wala tayo sa Pilipinas at pag nag bakasyon ay pinakamababang isang buwan. May rules and regulation din naman po ang aming guild na dapat naming sundin na kung ang isang nagsasanay ay lumiban ng tatlong beses ay out na po sya. So papano nga po kasi nag bakasyon yun ang katuwiran… Sa Guild po namin hindi reason ang bakasyon para hindi ka dumalo sa pag-sasanay sa kadahilan po na ang bakasyon sa trabaho ay planado at alam mo kung kailan ka uuwi ng Pinas. At iyon po ang aming sinasala, sa dami ng gustong mag aral ng photography ay kailangan namin ng dedikasyon upang hindi nman masayang ang kanilang ibabayad dito. So kung hindi ka pwede  sa batch na ito ay pwede ka pa naman sa susunod na batch, paunahin na muna ang mga hindi mag babakasyon o yung tapos ng mag bakasyon.

Ang mag bagay-bagay po na aking isinulat ay batay sa ginawa naming pag iinterview kahapon. Upang  malinawan at mapag biyan lahat ang mga Kababayan natin na nahihilig sa larangangan ng photography.

  • Share/Bookmark

Digital Camera

Comments

Click, Click, Click…. Dito naman… Click, Click!!! Hay naku! kodakan naman yan… Ganda naman ng Gadget mo? Eh  digital ba yan? Anong brand ba yan? maganda bang gamitain yan? maganda ba ang kuha nyan? EH! Ano nga ba ang magandang digital camera? Kasi ang daming brand na nag kalat ngayon lahat sila ang sinasabi sa Ads nila  nayung digital camera nila ay magagaling at mahusay gamitin.digital-cameras

Matagal-tagal na rin naman ako sa photography at sa aking mga dinadaluhang  at kinukuhanang pag titipon marami na rin akong na encounter na ganitong mga tanong, Ano ba ang magadang camera o digital camera?

Hindi naman sa Nikon ang brand ng camera na ginagamit ko pero isa ito sa magandang brand ng camera, pero nandyan pa ri naman ang Canon, Sony, Olympus, Pentax, Fuji at marami pang iba at mayroon pang iba’t ibang model from compact to DSLR… EH! ano nga ang magandang Camera???

Para sa akin ang ikinagaganda ng camera ay ayon sa gumagamit, hindi ko pwedeng sabihin na Nikon dahil sa ito ang gamit ko (pero para sa akin maganda ito) kasi hindi lahat ng tao gusto ang pag kakagawa ng nikon marami silang ayaw sa lay-out ng mga buttons and controls, ganun din naman sa Canon at iba pang brand. At saka sa pag pili ng camera hindi dahil sa yun ang uso yun ang bibilhin mo. Halimbawa ang gusto mo lang mag kuha ng souvinier shot sa mga lugar na pinupuntahan mo lalo na sa loob ng malls so hindi mo na kailangan ng Digital SLR na camera,   kasi malaki ito at pang karaniwan bawal gamitin ang digital SLR sa loob ng mga Malls, so ang point and shoot at compact digital  okey na. Pero kung na pe feel mo na gusto mong palawakin ang iyong kaalaman sa photography then mag Digital SLR ka.

Kaya sa totoo lang ang ikinagaganda ng isang camera ay kung saan mo ito gagamitin kaya nga iba’t ibang model ito. Mga model na bumabagay sa lugar at pag gagamitan ng mga ito… pero kung sa brand  naman ang itatanong pinaka maganda pumuta ka sa tindahan ng mga camera, hawakan mo at i feel ang ito upang malaman mo kung saan kumportable ang iyong mga kamay at importante rin na yung available na features ng isang camera na hindi mo naiintindihan hangat hindi mo nakikita at na sa sampolan.

Kaya kung may balak kang bumili ng camera tanungin mo ang iyong sarili kung saan mo ba ito gagamitin at higit sa lahat  MAG KANO BA ANG BUDGET Mo…..

  • Share/Bookmark
SEO Powered by Platinum SEO from Techblissonline

Palamuti is Digg proof thanks to caching by WP Super Cache!