Comments

Photography Session

Posted by Buddy on Apr 23, 2009 in Buhay-Buhay

Hay’ huwebes naman ng hapon (bukas weekend na) sarap sanang mag pahinga pag katapos ng limang araw na pag tra- trabaho, biyernes at sabado (friday & saturday) yan ang weekend dito sa UAE. Pero hindi pa rin makakapag pa hinga dahil sa Photography (adik kasi sa pag pipiktyur). Hindi naman ako adik sa pag pipiktyur, ano lang kinahihiligan ko lang ito at ng iba pang Pinoy dito sa UAE. Pero ako itinuturing ko na itong pangalawang propesyon sa dahilang pinag-kakakitaan ko na ito. Hindi man ako maituturing na propesyonal sa larangang ito pero naibibigay ko naman ang mga nais na mangyari ng aking mga nagiging kliyente (THANKS GOD!!!). new-bloom

Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ako na hilig dito, samantalang wala naman yatang hilig sa akin ang ARTS, pero way back sa Pinas nung dun pa ako ng work palagi akong nag bibiyahe at marami akong nakikitang mga magagandang tanawin subalit nung mga panahong iyon wala pa akong pambili ng kamera na maituturing na propesyonal tanging isang 35mm film kamera lang ang aking dala-dala yung wala pang zoom.

Kaya siguro nung mapunta ako dito sa United Arab Emirates taong 2002 naisipan kong bumili ng isang pang mid-professional camera at ito yung Nikon F80 35mm film camera (I’m still using it) ito na yung napapalitan ng lens. Uso na ang digital SLR camera nung kaso ang mahal hindi pa kaya ng budget ko. So dun nag simula ang pagiging adik ko sa pag pipiktyur at itinuring na ako ng aking mga kakilala na isa ng maniniyut ng piktyur… Then 2003 nabalitaan ko ng may group ng mga pinoy na nag coconduct ng photography lesson na mura lang ang bayad so sumaali ako, yung film camera pa rin ang gamit ko (outdated pero okey pa rin)hangang sa naka afford na akong bumili ng CF card yung memory card para sa Digital SLR Camera, pero yung camera hindi pa rin nang hihiram lang ako (kapal mukha heheheheheh)… At dahil nga siguro sa kakatiyaga ko nag kahilig narin sa akin ang arts (photography)…

Kaya heto ako ngayon isa ng maniniyot ng piktyur na maituturing  pero hindi pa rin full pledge professional, marami pa akong kakainin at uubusing panahon upang natupad ang minimithi kong titulo dito sa larangan ng potograpiya ang maging isang full Pledge Professional Photographer.

Practice… Practice… Practice… Practice… Practice… Practice… kaya kahit friday tuloy tuloy lang nag pag pipiktyur…

  • Share/Bookmark

Tags:

Copyright © 2010 Palamuti All rights reserved. Theme by Laptop Geek.