Bandang Alas diyes ng umaga habang ako ay nakaharap dito sa aking Laptop at busy sa gawain sa opisina (nag bibisibisihan heheh) ay bigla na lang nag dilm ang kapaligiran… Kasi bigla na lang nawalan ng kuryente ang aming building, sa anong dahilan di namin alam… Lahat nag kagulo kasi hindi pangkaraniwan ang ganitong pangyayari sa Dubai, lalo na dito sa opis namin… Isipin mo na lang na nasa loob kami ng Dubai Airport Freezone then biga na lang mawawalan ng kuryente… Wala namang nag panic wala naman kasing nag alarm pero pinababa pa rin kami ng building… So wala kaming nagawa eh di lumabas kaso heto my gooosshhh ang init sa labas, pero sumingit ako kunwari tutulong sa pag aayos ng server para ma i shutdown bago maubos ang laman ng UPS, so balik ako sa loob ng building kasi hindi ka na tatagal sa labas.
Hindi na ako lumabas ulit ng building dun nalang ako nag lagi sa loob kasama pa nung ibang ayaw talagang lumabas kasi nga mainit. After more than 1 hour sa wakas nag naroon na rin ng kuryente, mayroon ng ilaw at aircon kaso wala pa ring power sa mga saksakan, kaya tambay pa rin kami pero hindi rin naman nagtagal after 15 minute sa wakas balik na lahat ang power sa buong building…
Walang nakapag sabi kung bakit nawalang ng kuryente dito sa among area…
Posted by Buddy on April 28th, 2009
Read More
Sa nakaraang naming Photo session (huwebes ng gabi) naging masaya at maganda naman ang kinalabasan nito… Sa katunayan inabot kami ng ala una ng madaling araw kung wala sanang curfew dun sa place na pinuntahan namin baka inabot pa kami ng umaga.
By the way nag papasalamat nga pala ako dun sa aming naging modelo… hindi man naging madali sa kanya nung una ang pag harap sa amin (kasi ang dami namin heheh)pero nagawa pa rin nya ito ng maayos at propesyonal… Itago na lang natin sya sa pangalang Miss J aka “Angel” (kasi may pak-pak sya nung gabi hehehehhe kaya tinawag na lang namin syang “Angel”…) (sori hindi ko pwedeng ipalabas dito sa site ko ang mga piktyur..). Ganun din kay Harold na syang nag ayos ng lahat para sa Photo Session…
Posted by Buddy on April 26th, 2009
Read More
Hay’ huwebes naman ng hapon (bukas weekend na) sarap sanang mag pahinga pag katapos ng limang araw na pag tra- trabaho, biyernes at sabado (friday & saturday) yan ang weekend dito sa UAE. Pero hindi pa rin makakapag pa hinga dahil sa Photography (adik kasi sa pag pipiktyur). Hindi naman ako adik sa pag pipiktyur, ano lang kinahihiligan ko lang ito at ng iba pang Pinoy dito sa UAE. Pero ako itinuturing ko na itong pangalawang propesyon sa dahilang pinag-kakakitaan ko na ito. Hindi man ako maituturing na propesyonal sa larangang ito pero naibibigay ko naman ang mga nais na mangyari ng aking mga nagiging kliyente (THANKS GOD!!!). 
Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ako na hilig dito, samantalang wala naman yatang hilig sa akin ang ARTS, pero way back sa Pinas nung dun pa ako ng work palagi akong nag bibiyahe at marami akong nakikitang mga magagandang tanawin subalit nung mga panahong iyon wala pa akong pambili ng kamera na maituturing na propesyonal tanging isang 35mm film kamera lang ang aking dala-dala yung wala pang zoom.
Kaya siguro nung mapunta ako dito sa United Arab Emirates taong 2002 naisipan kong bumili ng isang pang mid-professional camera at ito yung Nikon F80 35mm film camera (I’m still using it) ito na yung napapalitan ng lens. Uso na ang digital SLR camera nung kaso ang mahal hindi pa kaya ng budget ko. So dun nag simula ang pagiging adik ko sa pag pipiktyur at itinuring na ako ng aking mga kakilala na isa ng maniniyut ng piktyur… Then 2003 nabalitaan ko ng may group ng mga pinoy na nag coconduct ng photography lesson na mura lang ang bayad so sumaali ako, yung film camera pa rin ang gamit ko (outdated pero okey pa rin)hangang sa naka afford na akong bumili ng CF card yung memory card para sa Digital SLR Camera, pero yung camera hindi pa rin nang hihiram lang ako (kapal mukha heheheheheh)… At dahil nga siguro sa kakatiyaga ko nag kahilig narin sa akin ang arts (photography)…
Kaya heto ako ngayon isa ng maniniyot ng piktyur na maituturing pero hindi pa rin full pledge professional, marami pa akong kakainin at uubusing panahon upang natupad ang minimithi kong titulo dito sa larangan ng potograpiya ang maging isang full Pledge Professional Photographer.
Practice… Practice… Practice… Practice… Practice… Practice… kaya kahit friday tuloy tuloy lang nag pag pipiktyur…
Posted by Buddy on April 23rd, 2009
Read More
Buhangin, Ispalto!!! Buhangin, Ispalto!!!… Yang ang iyong makikita araw-araw… Haaayy buhay!!! Eh ano pa nga ba ang makikita mo sa United Arab Emirates eh nasa gitna ka ng Disyerto na pinalilibutan ng ispaltadong kalsada… Sa isang banda maganda dahil wala kang madadaaang bako-bakong daan gaya sa Pinas kaso naman pag nag sand storm ay naku… wag na wag kang mag iiwan ng sinampay na damit sa labas ng iyong tinitihan siguradong pag balik mo yung puti mong damit kulay buhangin narin.
Haaayy!!! nakaka miss ang mga luntiang dahon sa kapaligiran sa Pinas… Kaya tuloy nag lagay ako ng chinese bamboo sa table ko sa opisina na aking pinapasukan, sabi tuloy ng mga kasama kong bakit daw may garden ako sa table, sagot ko na lang para pangtanggal ng stress sa mata na totoo naman kasi ayun sa nabasa ko na pag daw matagal ka ng nakatingin sa computer napapagod ang ating mga mata, at ang pinaka madaling paraan para ipahinga ito ay itingin ang sa kulay berdeng bagay.
Sa nakaraang Photography Workshop na ginanap dito sa Dubai ay pinalad na makadalo ako. At sa aming workshop may nakita akong dahon, dahon ng Palm, yung dahon na ginagawang pamaypay(abaniko) sa Pinas. May mga nakikita na ako na ganitong mga larawan kaya nag kainteres din ako na gumawa ng sarili kong bersyon. Hindi man kasing ganda nung mga nakikita ko at least sa akin yun sarili kong gawa…. Sana magustuhan ng sino mang maka kita…

Posted by Buddy on April 15th, 2009
Read More